Saturday, January 2, 2010

2010 Resolution: Buhayin ang Paulinian network



Matagal-tagal ng nananahimik ang social networking site ng SPSBL (http://spbspalo.ning.com). Isa sa New Year's resolution ko ay buhayin muli ang site. Pinalitan ko na ang theme, arrangement, pati profile picture ko bago na rin! :D

I try to send messages to some members. Dami ko ngang friend requests na dinagdag. Sayang kasi. This site will help Paulinians to keep in touch with everyone, pati kung anong nangyayari sa campus. Buhayin natin ulit ang mga forums. Namimis ko na ang mga discussions, seryoso man or mga kalokohan.

Alam ko mas maganda ang Facebook, hehe, pati ako addict dun, pero bigyan din natin ng pansin ang sarili nating social site. As an administrator of the site, I'll do my best / gagawin ko ang lahat na maibalik ang dating buhay at sigla ng site. Sa mga Paulinians na hindi pa member ng network, visit: http://spbspalo.ning.com.

If you have questions or suggestions regarding the network, send me a message. Baka bigyan ko kayo ng special privileges sa site or gawin ko kayong admin. :D

Happy New Year Paulinians!

Ito ang unang post para sa blog na ito. Maganda ang timing dahil 2nd day of year 2010. Malapit na ulit ang pasukan, alam ko marami ang tinatamad pang pumasok... at magklase? (hehe, sino kaya?) Ganito talaga basta kagagaling lang sa mahabang bakasyon. Sigurado ako konti lang ang papasok sa Monday. Makapagbigay nga ng quiz!

Ano ba ang mae-expect natin sa blog na to? Di ko rin sigurado. Tungkol siguro sa mga nangyayari sa aking alma-mater na St. Paul's, or tungkol sa buhay ko, hehe. Hindi ako mahilig magsulat ng blog, pero baka malay natin e magustuhan ko. Teka muna at gagawa muna ako ng lesson plan ko. Happy New Year sa lahat ng students, teachers at employees ng SPSBL!

Facebook Badge